Ang Unang Milagro ni Hesus
Ayon sa Biblia ang unang milgro ni Hesus ay naganap noong siya ay pumunta sa isang kasalan sa Cana, ito ang pag gawa ng alak sa pamamagitan ng tubig.
Ngunit ayon sa tradisyon ng simbahan may mas nauna pang milagrong ginawa ang ating Panginoong Hesus.
Noong ipinahanap ni Herodes ang ating Panginoong Hesus. Ang banal na mag Anak ay nanuluyan sa isang mag inang naninirahan sa Galilea.
Kina-umugahan habang gumagawa ng gawaing bahay ang Ginang, nagsalok na din ito ng tubig para sa pampaligo ng ating Panginoong Hesus. Ngunit sinsbi ni Sta. Maria na siya na lamang ang mag sasalok. Ngunit ito ay tinanggihan ng Ginang. Kung kayat kumuha na lamang ng isa pang batya si Sta. Maria upang isahod ang pinagpaliguan ng ating Panginoong Hesus.
Matapos maligo ng ating Panginoong Hesus, sunod na pinaliguan ng ginang ang kanyang anak sa pinagpaliguang tubig ng ating Panginoong Hesus.
Ang anak ng ginang ay may sakit sa balat kung tawagin ay galis. Hindi nag atubili ang ginang dahil malinis pa naman ang tubig na pinagpaliguan ng ating Panginoong Hesus.
Matapos paliguan ng ginang ang kanyang anak hindi pa lumilipas ang araw. Ang balat ng bata ay gumaling ito ay nag hilom agad.
Matapos ang panunuluyan ng Sagrada Pamilya. Sila ay nag paalam sa Ginang at sa Batang Sanggol na si Dimas.