Conclave
“Ikaw ay Pedro at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking Iglesia” Mt 16:18
Ito ang nag papatunay na si Pedro ang itinalaga ni Hesus bilang tagapamahala ng kanyang simbahan.
Simula ng umakyat sa Langit ang ating Panginoong Hesus. Si Pedro at ang ibang Apostol na ang nag Patuloy sa pamamalakaya na ipinamana ng ating Panginoon.
Ngunit ang lahat ng Apostol ay nagkahiwa-hiwalay, at napunta sa iba’t ibang bansa ngunit kay Pedro iniwan ng ating Panginoon ang Susi ng Langit. “ kung Ano ang ipag babawal mo sa lupa ay siya din ipagbabawal sa Langit” Mt 16:19.
Ngunit noong namatay ang Prinsipe ng simbahan, ito ay pinalitan ni Lino siya ang humalili kay Pedro.
Ngunit paano nga bang nag Simula ang botohan sa mga susunod na Prinsipe ng Iglesia Katolika.
Sa pamumuno ni Papa Gregorio X noong 1274 sinimulan niya ang constitution tukol sa Conclave.
Conclave na ang ibig sabihin ay Pribadong Pag-pupulong
At noong January 1276 ay nag Simula ito. Dahil sa Pagpanaw ni Papa Gregorio X.
Ang pumalit sa kanya ay si Pope Inocent V
Siya ang kauna-unahang Santo Papa na
naihalal sa Conclave. Bago maisabatad ang Conclave ang bawat nagiging Santo Papa ay inaapoint ng College of the Cardinals.
Paano nga ba ang Proseso ng Conclave?
Kung ang Santo Papa ay Pumanaw ito ay ibuburol muna ng tatlong araw. Pagkatapos ng libing mag kakaroon muna ng 9 Days of Mourn
Mag papatawag na ang college of cardinals kung Sino ang mga pwedeng umattend sa conclave, dahil hindi lahat ng Cardinal ay Pwede sumali sa Botohan.
Noong 1970 sa pamumuno ni Pope Paul VI ang pwedeng umattend sa Conclave ay 80 and above.
Ngunit ang kasalukuyang mga pamamaraan ay itinatag ni Pope John Paul II sa kanyang apostolikong konstitusyon na Universi Dominici gregis na sinususugan ni Pope Benedict XVI noong 2007 at 2013.
Ang dalawang-ikatlong boto ng supermajority ay kinakailangan upang mahalal ang bagong papa.
Ang huling papal conclave ay naganap noong 2013, nang si Jorge Mario Bergoglio ay nahalal bilang Pope Francis, na humalili kay Benedict XVI.
Kung ang Santo Papa naman ay nagbitiw sa kanya pwesto magiging “Sede Vante” ang position at hindi pwedeng mag appoint ang kung Sino mang Santo Papa ang nag bitiw sa pwesto.
Susundin ang konstitusyon na nasaibatas ni Pope Gregory X. Ang Conclave.