May kakayahan nga bang mag pakita sa atin ang mga sumakabilang buhay na?
Ayon sa Biblia matapos mamatay ng isang tao, agad siyang lilitisin o huhusgahan ng Diyos upang malaman niya kung saan siya mapupunta. Kung sa purgatoryo ba o sa langit. Siguradong may mag tatanong kung bakit walang impyerno? Automatic ng mapupunt sa impyerno ang kaluluwa kung siya ay hindi naniniwala at itinakwil na ang Diyos.
Ngunit kung siya ay naniniwala sa Diyos ngunit isa siyang makasanan. Ang kaluluwa ay mapupunta sa purgatoryo upang pag bayaran lahat ng kanyang kasalanan.
Bakit pa natin ipinag darasal ang mga kaluluwa kung sila mismo ang mag babayad ng kanilang kasalanan?
Habang ipinagdarasal natin ang mga kaluluwa sa purgatoryo. Natutulungan natin silang umahon sa kasalanan.
Walang kapangyarihan ang tao at ang kaluluwa nito. Hindi kayang mag pakita ng isang kaluluwa sa kanyang mga mahal s buhay sapagkat siya ay nag babayad ng kasalanan sa purgatoryo.
Sino ang mga nag papakita sa mga ibang may third eye?
Demonyo ang nag papakita sa mga may third eye at demonyo din ang nag paparamdam sa mga tao upang kunwari ay ang kuluwa ng yumao ang nag papakita. Ngunit sabi ko nga walang kapangyarihan ang kaluluwa ipa g siya ang bumalik sa mundo ng mga buhay.
Bakit ginagawa ito ng demonyo. Habang natatakot tayo at naniniwala sa mga demonyo lalong silang naturuwa dahil nawawalan tayo ng pananampalataya sa Diyos.
Bakit may mga kaluluwang nag hihiganti?
Walang kaluluwa na pwedeng mag higanti sapagkat lahat ng tao ay makasalanan.
Kadalasan ang ibang nag sasabi na naghigiganti ang isang kaluluwa ngunit ang tunay na kanilang nakikita ay ang kanilang konsensya.